NAGSALITA NA | Tunay na dahilan sa likod ng mga batikos sa PAGCOR, ibinunyag

Manila, Philippines – Nagsalita na si PAGCOR VP for Corporate Social Responsibility Group Jimmy Bondoc patungkol sa ibat-ibang isyu na ibinabato sa kanyang ahensya.

Ayon kay Bondoc ang mga taong nagpapakalat ng nasabing isyu ay ang mga taong nasa likod ng paninira sa Administrasyong Duterte.

Isa sa mga ibinabatong anomalya sa PAGCOR ay ang pagkakaroon umano ng mga opisyales nito ng malalaking bonuses na mariin namang itinanggi ni Bondoc.


Paliwanag ni Bondoc wala silang excessive bonuses at mismong siya ay paubos na ang personal na pera kasabay nang pag tiyak na wala siyang kinukuha kahit na piso sa pondo ng bayan.

Kaugnay nito ay ay inilantad din ni Bondoc ang dahilan kung bakit patuloy na binabatikos ang PAGCOR.

Dagdag pa ni Bondoc may mga taong nagtutulak na gawing pribado ang nasabing ahensya para mawala ang mandato ng PAGCOR na tumulong sa pag-unlad ng bansa kung saan bilyong piso ang inilalaan ng naturang ahensya.

Giit ni Bondoc itinatag ni dating pangulong Ferdinand Marcos ang PAGCOR para mapunta sa publiko ang kita ng gaming industry sa bansa at hindi sa pribadong bulsa.

Facebook Comments