NAGSANAY | Philippine Army at Australian Army, nagsagawa ng Combine Urban Operations Training sa Jamindan Capiz

Manila, Philippines – Nagsagawa ng pagsasanay ang Philippine Army at Australian Army sa training ground ng Headquarters ng 3rd Infantry Division sa Camp Peralta Jamindan Capiz na tinawag na CUOT o Combined Urban Operations Training.

Ayon kay 3rd Infantry Division Spokesperson Captain Eduardo Precioso nagsimula ang pagsasanay nitong May 27, 2018 at nagtapos kahapon June 20, 2018.

Isa sa mga naging highlights ng aktibidad ay ang 20 minutong Capability Demonstration na ginawa mismo ng Operation Control (OPCON) units ng 3rd Infantry Division, Philippine Army at Australian Defense Force.


Sinabi pa ni Captain Precioso na layunin ng isang buwang pagsasanay ay upang mai-angat pa ang kaalaman ng dalawang tropa kaugnay sa interoperability, tactics, techniques at procedures para sa urban operations.

Pinapatatag rin nito ang samahan ng Pilipinas at Australia.

Sa ginanap na closing ceremony kahapon, dumalo rito ang mga miyembro ng Mobile Training Team (MTT) mula sa Joint Task Group 629 Australian Defense Force na pinamumunuan ni Commanding Officer Lt Col Judd Finger.

Facebook Comments