NAGSARA NA | Transport network company na Uber, pormal nang nagsara

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na isinara na ng transport network company na Uber ang kanilang operasyon sa Pilipinas kahapon (April 8).

Ito ay sa kabila ng kautusan ng Philippine Competition Commission (PCC) na ituloy ang Grab at Uber ang kanilang hiwalay na operasyon lagpas ng April 8 habang sinisilip nila ang nagyaring merger o pagsasanib ng dalawang kumpanya.

Ayon kay LTFRB Board Member Aileen Lizada, sa ilalim ng transaction service agreement, kinakailangang mag-shut down ang Uber app sa April 8, 2018.


Nabatid na apat na taon ding nag-operate ang Uber sa bansa.

Facebook Comments