Manila, Philippines – Nagsimula na ang month long early registration period ng Department of Education para sa school year 2018-2019.
Ayon kay DepEd Sec Leonor Briones layunin ng early registration na matukoy ng maaga ang posibleng problema na kakaharapin ng school officials, mga magulang at mga batang mag-aaral bago sumapit ang regular enrolment para sa darating na pasukan sa Hunyo.
Target ng DepEd sa maagang pagpaparehistro ang mga batang 5 taong gulang na papasok sa kindergarten hanggang Grade 12 sa lahat ng pampublikong elementarya at sekondaryang paaralan sa bansa.
Magtatagal ang early registration hanggang February 28 2018.
Facebook Comments