NAGSIMULA NA | National Disaster Resilience Month, pinangunahan ng kalihim ng DOH

Manila, Philippines – Mismong si Health Secretary Francisco Duque III, ang nanguna sa pag-arangkada ng National Disater Resilience Month na dating tinatawag na National Disaster Consciousness Month.

Sa temang “Katatagan sa Kalamidad ay Makakamtan Kapag Sapat ang Kaalaman sa Kahandaan” tinuran ng Kalihim na mahalaga na armasan ang kumunidad sa pamamagitan ng pagbibigay at pagpapalawak pa ng kaalaman at ng kasanayan sa pagharap sa mga kalamidad upang mabawasan ang epekto nito at mapangalagaan ang buhay, kalusugan at kabuhayan.

Paliwanag ng Kalihim na pangunahing sanhi ng kamatayan sa bansa ang heart attack o atake sa puso hindi lamang sa bansa , kundi sa buong mundo.


Umapila ang Kalihim sa publiko na pag-aralan at isabuhay ang pagsaasagawa ng tinatawag na hands only CPR Cardio Pulmunary Resuscitaion , na kanya pang ipinakita kung papaano maayos at ligtas na isasagawa, sakaling kailanganin ng pagkakataon kung saan ang CPR na ipinakita ay di nangangailangan ng mouth to mouth resuscitation.

Facebook Comments