NAGSINUNGALING? | Pagpigil sa biyahe ni dating Senator Jinggoy Estrada sa US, pinag-aaralan ng prosekusyon

Manila, Philippines – Pinag-aaralan pa ng prosekusyon kung haharangin nila ang nakatakdang pagpunta sa Estados Unidos ni dating Senador Jinggoy Estrada.

Ito ay kasunod ng pahayag ng US Pinoys for Good Governance na hindi nila inimbita si Estrada na magtalumpati sa kanilang annual membership meeting sa Michigan.

Ang pagtitipon ng nasabing grupo ang isa sa dinahilan ni Estrada sa kanilang mosyon para makabiyahe sa Amerika mula April 30 hanggang May 30.


Maliban pa rito ang kaniyang medical checkup at bakasyon kasama ang kanilang pamilya.

Ayon naman sa Sandiganbayan 5th division, hihintayin muna nila ang aksyon ng prosekusyon.

Facebook Comments