NAGSUMITE | Mga kinasuhang staff ni CJ Sereno, nagsumite na ng counter affidavit sa DOJ

Manila, Philippines – Nagsumite na ng kanilang counter-affiavit sa DOJ ang dalawang staff ni CJ on-leave Maria Lourdes Sereno na inireklamo ng katiwalian ni Atty. Lorenzo Gadon

May kaugnayan ito sa sinasabing maanomalyang pagkuha ng Information Technology consultant ng SUpreme Court na hindi idinaan sa public bidding.

Ang mga respondents ay sina Atty. Ma. Lourdes Oliveros – Chief of Staff ni Sereno at Atty. Michael Ocampo mula sa Office of the Chief Justice,


No-show sa hearing ang inirereklamong IT consultant na si Helen Macasaet pero nagpadala ito ng kanyang abogado.

Humirit ang kampo ni Macasaet ng extension hanggang May 9 para sa kanyang kontra-salaysay.

Nahaharap ang tatlo sa reklamong paglabag sa Anti-graft and corrupt practices act o RA 3019 at paglabag sa Government procurement act.

Sa reklamo ni Gadon, hindi daw dumaan sa public bidding ang ang pagkuha sa serbisyo ni Macaset bilang IT consultant ng SC at sa halip, idinaan ito sa negotiated contract at direct negotiation

Ayon kay Gadon, kaduda-duda ang naging pagkuha sa serbisyo ni Macasaet lalo at kakilala ni Atty. Oliveros si Macasaet.

Naniniwala si Gadon na nilabag ng tatlo ang anti-graft law nang paghiwalayin ang ang contract of service ni Macasaet na umabot sa walong kontrata sa loob ng apat na taon.

Binigyan ng piskalya ng hanggang alas dos ng hapon ng May 17 ang kampo ni Gadon para magsumite ng kanilang reply-affidavit.

Mayroon namang hanggang May 29 ang lahat ng respondents para sa kanilang rejoinder.

Facebook Comments