NAGTALAGA | Ilang bakanteng posisyon sa gobyerno, pinunan na ng Pangulo

146

Manila, Philippines – Nagtalaga na si Pangulong Rodrigo Duterte ng mga personalidad sa mga nabakanteng posisyon sa Pamahalaan.

Sa inilabas na appointment papers ng Malacañang ay nakasaad na itinalaga ni Pangulong Duterte si Alvin San Juan Feliciano bilang Chairperson ng Presidential Commission for the Urban Poor noong October 31.

Itinalaga din naman ni Pangulong Duterte bilang lead Convenor ng National Anti-Poverty Commission si Noel Kinazo Felongco kung saan nilag daan ng Pangulo ang Appointment paper nito noong October 31 din.

Samantala inilabas narin ng Malacañang ang Appointment papers ni Ediardo Año na may petsang November 5 kung saan ay itinalaga ito ng Pangulo bilang ad interim secretary ng Department of Interior and Local government na nanumpa na kahapon kay Pangulong Duterte.

Inilabas narin naman ng Malacañang ang Appointment papers ni dating Congressman Karlo Nograles bilang Secretary to the Cabinet at kasabay ni Secretary Año ay nanumpa narin ito kahapon kay Pangulong Duterte sa Malacañang.

Facebook Comments