Cauayan City – Pumalo sa 47 ang bilang ng mga indibidwal na nagtamo ng injury dahil sa paputok noong panahon ng Pasko at Bagong Taon sa buong Region 2.
Ayon sa ulat mula sa Department of Health Cagayan Valley, 40 mula sa 47 na kaso ay pawang mga kalalakihan kung saan 2 taong gulang na lalaki ang pinakabatang naputukan habang 32 years old naman ang pinakamatanda.
Wala namang naitalang naputulan ng kamay o daliri subalit 17 sa mga ito ang nagtamo ng eye injury, habang wala namang naitalang nakalunok ng paputok at tinamaan ng ligaw na bala.
Kung ikukumpara noong taong 2023, mas mataas ang 26 na bilang ang naitalang Fireworks-Related Injury ngayong panahon ng Pasko at Bagong Taon.
Facebook Comments