NAGTATAGO? | Kahit na nakalabas na ng bansa, Mayor Jed Mabilog, hindi pa rin ligtas sa mga isyung kinasasangkutan

Manila, Philippines – Kahit pa nakalabas ng bansa, hindi pa rin ligtas si dating Iloilo City Mayor Jed Mabilog sa mga reklamong ibinabato laban sa kanya.

Noong nakaraang taon nang lumipad patungko sa ibang bansa si Mabilog kasama ang kanyang pamilya matapos na absweltuhin ng Ombudsman sa umano’y maanomalyang towing deal at bigong pagdedeklara ng pinagmulan ng kanyang yaman.

Una na rin siyang isinangkot ni Pangulong Duterte sa illegal drug trade.


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sakaling magkaroon ng imbestigasyon ay ikokonsidera ang extradition sa alkalde.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin batid kung saang bansa nagtungo si Mabilog.

Facebook Comments