NAGTATAGO LANG | Naarestong Maute Daesh member sa Recto, Maynila, hindi maghahasik ng gulo – PNP

Manila, Philippines – Hindi maghahasik ng gulo sa halip tumakas lang sa kaguluhan sa Mindanao ang pakay ng Maute subleader na naaresto sa Recto, Maynila.

Ayon kay PNP Chief Ronald Dela Rosa, buwan ng Enero ngayong taon nang napadpad sa Maynila si Nasser Lomondot alias Muhamad kasama ang kanyang asawa na si Rizasalam Lomondot sa pamamagitan ng pagbyahe sa lupa sakay ng public utility vehicle.

Aniya, natatakot lang umano sa kanilang buhay ang 2 at ayaw na masangkot sa bakbakan sa Mindanao kaya humiwalay sa kanilang mga kasamahan.


Pero, hindi naman inaalis ni Dela Rosa ang posibilidad na “recruitment” ng bagong miyembro ang dahilan kung bakit nasa Maynila ang mga ito.

Facebook Comments