NAGTIIS | Babae sa Spain, 13-taon nagkulong sa ipinasadyang glass cage para lang mabuhay

Espanya – Isang 53-taong gulang na ina mula sa Espanya na nagkulong nang labing tatlong (13) taon sa loob ng pinasadyang kulungan o glass cage para lang mas humaba pa ang kanyang buhay.

Ito ay matapos ma-diagnosed sa apat na malubhang sakit kabilang na ang “multiple chemical sensitivity, fibromyalgia, chronic fatigue syndrome at ang electrosensitivity.”

Ayon kay Juana Munoz, kinailangan niya itong gawin para masunod ang utos ng mga doktor.


Kailangan din umanong maligo ng mga dadalaw sa kanya dahil sa sensitibo niyang karamdaman dapat din anyang gawa sa organic ang mga suot ng bibisita.

Pero ang pinakamahirap umano rito ay ang pagpigil sa kanyang mayakap ang kanyang pamilya kung saan dalawang beses lamang sa loob ng isang taon niya itong nagagawa.

Facebook Comments