NAGTIPUNAN-AURORA ROAD, TOTALLY CLOSED SA MGA MOTORISTA

Pansamantalang isinara hanggang katapusan ng Oktubre taong kasalukuyan ang kalsada sa barangay Dissimungal, Nagtipunan, Quirino patungong Aurora Province.

Ito ay dahil sa nangyaring pagguho ng lupa sa ginagawang daan na naitala noon pang October 3, 2022.

Sa datos ng DPWH Region 2, nag-collapse ang 91 meter mountainside sa Section 4 sa ginagawang daan hanggang sa hindi na ito maaaring madaanan.

Wala namang naitalang casualties sa nangyaring insidente ayon na rin kay District Engineer Lorna Asuten.

Kaugnay nito, habang sarado pa sa lahat ng motorista ang kalsada, mayroon nang idineploy na maintenance crew sa lugar para magmando sa mga biyahero sa alternate route habang isinasagawa ang clearing operation.

Samantala, nakipag-ugnayan na rin ang DPWH sa LGU Nagtipunan at PNP para makipagtulungan sa nasabing ahensya at mapabilis ang pagsasaayos sa nasirang kalsada.

Facebook Comments