NAGTULUNGAN | LP sa Kamara at Makabayan, nagsanib pwersa na bilang minorya sa Kamara

Manila, Philippines – Nagsanib-pwersa na ang Liberal Party sa Kamara at ang MAKABAYAN para buuhin ang Minority bloc sa Mababang Kapulungan.

Sa pangalawang liham na ipinadala ni Marikina Rep. Miro Quimbo kay Speaker Gloria Arroyo, ipinaabot nito na nagkakaisa na ang noo’y magkahiwalay na grupo.

Sumama na sina Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, ACT Teachers Reps. Antonio Tinio at France Castro, Anakpawis Rep. Ariel Casilao, Gabriela Reps. Emmi de Jesus at Arlene Brosas, at Kabataan Rep. Sarah Elago sa binuong Minority group ng LP.


Nagkasundo din ang mga ito na si Quimbo na ang kanilang Minority Leader.

Umaasa ang grupo ni Quimbo na makakapagtrabaho sila ng maayos sa ilalim ng pamumuno ni Speaker GMA at magiging makabuluhan ang 3rd regular session ng 17th Congress.

Ngayong hapon ay inaasahang mapagdedesisyunan na kung sino ang tatayong Majority Leader at Minority Leader sa Kamara.

Facebook Comments