NAGTULUNGAN | PCG at Philippine Navy, sanib-pwersa para sa pag-aalis ng BRP Gregorio del Pilar na sumadsad sa West Philippines Sea

Manila, Philippines – Nagsanib-pwersa na ang Philippine Navy at Philippine Coast Guard para pag-aralan ang tuluyang pagtanggal sa BRP Gregorio del Pilar na sumadsad sa Hasa-hasa Shoal, West Philippines Sea.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief, Col. Noel Detoyato – nagsagawa na ng underwater assessment ang coast guard at navy divers para makabuo ng plano para sa maayos na extraction ng barko.

Target na maialis ang barko bago magkaroon ng masamang panahon.


Inaalam din kung ano ang dahilan ng pagsadsad ng barko sa mababaw na bahagi ng karagatan.

Facebook Comments