Manila, Philippines – Maging si Senator Panfilo Ping Lacson ay naguguluhan din sa bantang pagsailalim kay Senator Antonio Trillanes IV sa court martial proceedings kahit ito ay isa ng sibilyan.
Tanong ni Lacson, paano isasailalim sa court martial ang isang senador na hindi na miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Sa tingin ni Lacson, tanging ang Supreme Court (SC) lamang ang makakapagbigay-linaw sa nasabing usapin.
Giit naman ng abogado ni Trillanes na si Atty. Reynaldo Robles, walang basehan na i-court martial ang senador dahil base sa batas otomatiko itong natanggal na sa serbisyo nang ito ay maghain ng certificate of candidacy (COC) para sa 2007 senatorial elections.
Diin ni Robles, bago pa maipagkaloob kay Trillanes ang amnesty ay matagal na syang sibilyan.
Ipinunto pa ni Atty. Robles na kasong administratibo lang ang kinaharap ni Trillanes sa court martial na ang parusa ay pagtanggal sa kanya sa serbisyo.