NAGUHUAN | 3 construction worker, patay matapos matabunan ng lupa sa isang construction site sa Baguio

Baguio – Patay ang tatlong construction worker matapos matabunan ng lupa sa isang construction site sa Baguio City.

Na pagmamay-ari ng isang pribadong kumpanya.

Dalawa sa biktima ay kinilalang sina John Rey Daus at Lemuel Malate na kapwa taga-Pangasinan.


Ayon kay Baguio City C/Insp. Eddie Bagto – nagsasagawa ng paghuhukay sa lugar na pagmamay-ari ng isang pribadong kompanya nang biglang gumuho ang lupa.

Naitakbo pa sa baguio general hospital ang mga biktima pero hindi na umabot nang buhay.

Pinaniniwalaang dahil sa patuloy na pag-ulan ang dahilan kung bakit lumambot ang lupa at gumuho.

Umaasa naman ang naulilang pamilya ng mga biktima na maiuuwi agad ang kanilang bangkay sa Pangasinan.

Facebook Comments