Russia – Isang buwaya ang gumulat sa mga pulis matapos matagpuan sa basement ng isang bahay sa st. Petersburg.
Pinasok ng mga pulis ang bahay ni Pavel Baranenko dahil sa pagdududa na may mga iligal na armas sa loob ng kaniyang bahay.
Pagpasok sa nasabing bahay ay napasigaw aniya ang isang pulis nang bulagain sila ng isang malaking buwaya sa basement.
Paliwanag ni Baranenko, isa itong nile crocodile.
Aniya, sampung taon na raw niyang inaalagaan ito.
Agaran namang dinala ng mga animal handler sa police station ang nasabing buwaya.
Pinag-iisipan pa kung saan ito dadalhin makaraang tanggihan ng isang zoo dahil baka hindi raw nito kayanin ang -10 celsius na lamig.
Facebook Comments