NAGULAT | Chinese Ambassador to the Philippines, nagulat sa reaksyon ng ilang Pilipino sa pag-land ng kanilang eroplano sa Davao City Airport

Ikinagulat ni Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua ang naging pagtanggap o ang reaksyon ng ilang mambabatas at ilan sa ating mga kababayan sa landing at refueling ng kanilang Military Plane sa Davao City Airport.

Matatandaan na inulan ng batikos at lumutang ang maraming haka-haka matapos lumabas sa balita na nag-land sa Davao City Airport ang Military Transport Plane IL – 76 ng China noong araw ng Linggo.

Una nang nilinaw ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go na nag-refuel lamang ang nasabing eroplano at dumaan naman sa proseso ang pag-land nito sa Davao City.


Sa interview ng media kay Ambassador Zhao sa Kawit Cavite matapos ang Independence Day celebration ay sinabi nito na nagulat siya sa naging pagtanggap ng mga Pilipino sa pag-land ng kanilang eroplano.
Binigyang diin ni Zhao na hindi nila kailanman pinagisipan ng masama o giyerahin ang Pilipino na kanilang kaalyado at kaibigang bansa.

Iginiit ni Zhao na nag-refuel lang talaga ang kanilang eroplano na noon ay papunta ng Netherlands na dadaan ng Australia dahil sa kanilang militay exercises doon.

Facebook Comments