NAGULAT | Gabby Eigenmann, ikinagulat na lumaki ang isyu sa pagitan nina Direk Mike De Leon at Atom Araullo

Manila, Philippines – Maingat na nagbigay ng komento ang aktor na si Gabby Eigenmann na isa sa mga co-stars ng pelikulang “Citizen Jake” na pinagbibidahan ng broadcast journalist na Si Atom Araullo.

Ayaw raw makialam ni Gabby sa naglalabasang isyu sa pagitan nina Direk Mike at Atom kung saan alam niya na hindi daw ito isang paraan para mas lalong ma-promote ang nasabing pelikula.

Wala din daw siya sa posisyon para idetalye pa kung paano na-handle ni Direk Mike De Leon si Atom sa tuwing nagshu-shoot sila ng mga scenes sa pelikula pero aminado siya na may “K” daw na maging aktor ang kaniyang co-star na broadcast journalist.
Nagulat na lamang si Gabby ng lumaki ang isyu gayung masaya naman daw ang buong staff habang ginagawa nila ang pelikula at kanila na din inaasahan na papatok ito sa takilya.


Facebook Comments