Manila, Philippines – Ikinagulat ng Palasyo ng Malacañang ang hakbang na ginawa ng Kuwaiti government kung saan inideklarang persona non-grata si Philippine Ambassador to Kuwait Renato Villa.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, nabibigla ang development na ito dahil taliwas ito sa naging usapan sa pagitan nila Pangulong Rodrigo Duterte, Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, at ng Ambassador ng Kuwait sa Pilipinas.
Sa ngayon aniya ay pinagaaralan pa nila kung ano ang mga dapat gawin ng pamahalaan matapos pauwiin ng Kuwaiti government ang mga Filipino diplomats sa bansa.
Pero sinabi ni Roque na sa kabila ng pangyayari sa umiinit na sitwasyon sa pagitan ng Kuwait at Pilipinas ay pangunahin parin na prayoridad ng pamahalaan ay ang kaligtasan ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa Kuwait.
Matatandaan na nagsimula ang issue na ito sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait matapos magsagawa ng rescue operations ang Philippine Embassy officials sa mga distressed OFWs sa Kuwait.