NAGWALA | 4 – sugatan sa pagwawala ng kalabaw sa Pangasinan

Pangasinan – Sugatan ang apat na katao matapos magwala ang isang kalabaw na kakatayin sana ngayong araw sa Mangaldan, Pangasinan.

Ala-1:30 kaninang madaling araw, dadalhin na sana ni Ronald Soriano sa katayan ang sampung taong gulang na kalabaw nang bigla itong nagwala at sinugod ang 20-anyos na matador na si Jon Mark Molato.

Nabalian naman ng binti si Soriano nang matamaan siya ng kalabaw na kumaripas ng takbo.


Pagsapit ng alas-5:30 ng umaga, nakatanggap ng report ang mga pulis na sinuwag ng kalabaw ang dalawang nagpapagasolina na sina Diane Bautista at John Paul Serapion.

Napatigil lang sa pagwawala ang kalabaw nang barili ito ng mga pulis.

Facebook Comments