Cebu – Nabaril at napatay ng isang guwardiya sa Cebu City Jail ang isang detainee, matapos itong magwala at manaksak sa kaniyang kasamahan kaninang alas 3:30 kaninang madaling araw.
Ang suspek na si Glen Lerio Albures na may kasong arson ay umatake sa apat nitong kasamahan na sina Richard Gaviola, Benjie Tijo, Christian Saballa at Marvin Gempeso.
Natutulog ang mga inmates nang biglang magwala si Albures at nanaksak sa apat na inmates.
Dalawa sa mga nasugatan ay nasa pampublikong ospital sa ngayon dahil sa kanilang mga sugat.
Hinihinalang wala sa matinong pag-iisip ang inmate na nag-amok nang mangyari ang insidente.
Facebook Comments