Canada – Kakaibang antas ng lamig ang nararanasan ngayon sa ilang bahagi ng Canada.
Sa probinsya ng Quebec, umabot na sa negative 40 Fahrenheit ang lamig.
Dahil dito nagyelo ang tubig na lumalabas sa hose ng mga bumbero na rumesponde sa isang sunog.
Habang umabot na sa pitong libo ang naitalang tumirik na sasakyan matapos mawalan ng karga ang mga baterya.
Naglabas na health warning ang Canadian government laban sa frost bite at hypothermia.
Posible rin daw manigas ang balat ng isang tao na ma-e-expose sa lamig ng mahigit sampung minuto.
Huling naitala ang ganito katinding lamig sa Canada noon pang 1993.
Facebook Comments