NAHAGIP | Isang pasahero, halos maputulan ng braso sa gitgitan ng 2 bus

Quezon City – Halos maputol ang braso ng isang lalaking pasahero pasahero sa gitgitan ng dalawang bus sa bahagi ng EDSA Kamuning.

Ang pasaherong lalaki ay nakilalang si Daniel Malapit Morcoso 29 taong gulang at taga San Jose Del Monte City Bulacan.

Dinala na sa East Avenue Medical Center ang sugatang pasahero ng mga nagresponding tauhan ng Emergency Rescue Ambulance ng MMDA.


Sa inisyal na imbestigasyon ng QCPD Traffic Sector 4, magkasabay na binabagtas ng dalawang bus ang EDSA ng magkagitgitan bago dumating sa kanto ng Kamuning at EDSA.

Sakay sa bandang huli ng upuan ng Mayami Bus na may
UWJ-668 ang pasahero ng mahagip ang kanyang kanang braso ng kasabayang bus na Kellen aircon bus na may plakang UVX-682.

Nabatid na nakasampay sa bintana ang kanang braso ng pasahero at hinihinalang tulog pa ng mahagip ito.

Naka-impound na ang dalawang bus at iniimbestigahan na ang kaso ng QCPD Traffic Sector 4.

Facebook Comments