NAHANAP NA | Batang dinukot sa Las Piñas, nabawi sa Cavite

(UPDATED) – Nabawi na ng mga pulis ang tatlong taong gulang na batang babae na dinukot ng dalawang suspek sa Las PiƱas, noong gabi ng December 30.

Kinilala ang mga suspek na sina Giselle Omayan at Cerio Cinolete.

Ayon kay Southern Police District Head Chief Superintendent Thomas Apolinario, inamin ng mga suspek na nais nilang ipatubos sa mga magulang ang bata.


Pero dahil walang pambayad, nagpasya ang mga suspek na papagpalimusin na lang ang bata sa Cavite.

Naaresto naman ang mga suspek sa magkahiwalay na operasyon sa Las PiƱas at Cavite.

Facebook Comments