NAHAWAAN DAW NG STD | Mahigit 20 menor de edad na miyembro ng isang gang sa Lapu-Lapu, Cebu, nasagip ng mga otoridad

Cebu – Nasagip ng mga otoridad ang mahigit 20 menor de edad na miyembro ng isang gang sa Barangay Pajo lungsod ng Lapu-Lapu, Cebu na sinasabing nahawaan umano ng Sexually Transmitted Disease (STD).

Sa imbestigasyon, hindi makakapasok sa grupo na tinaguriang “Pentatonic Fam” ang isang menor de edad kung hindi ito makikipagtalik sa mga kasapi ng gang na binubuo rin ng mga kabataan.

Karamihan din sa mga sumali rito ay mga batang nakatatangap ng kakulangan sa atensyon mula sa kani-kanilang mga pamilya.


Kaugnay nito, nagbigay ng ultimatum ang mga otoridad sa mga magulang na kapag umabot sa tatlong beses na ma-rescue ang kanilang mga anak, sasampahan na ng kaso ang mga ito.

Nabatid na 24 kabataan na ang naitalang nailigtas simula noong nakaraang linggo at patuloy pa din ang paghahanap ng mga otoridad sa iba pang posibleng nahawaan ng nasabing sakit.

Facebook Comments