Tinawag ni Communist Party of the Philippines (CPP) Founder Jose Maria Sison na ‘delusional’ o nahihibang si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay matapos ihayag ng Pangulo na tuluyang masusugpo ang mga rebeldeng komunista pagdating ng susunod na taon.
Ayon kay Sison, nasobrahan sa ‘fentanyl’ o painkiller kaya nananaginip ang Pangulo ng mga bagay na hindi mangyayari.
Matatandaang sinabi ng Pangulong Duterte na nananalo na ang gobyerno sa kampanya nito laban sa mga rebeldeng komunista dahil sa pagbagsak ng ilang rebel fronts at pagsuko ng ilang insurgents kasama ang kanilang armas.
Dagdag pa ng Pangulo, marami ring political officers ang sumuko na siyang nagpalakas sa intelligence authorities para tugisin ang iba pang mga rebelde.
Facebook Comments