NAHULI NA | Hepe ng Ozamis, inaming tapos ang kanyang misyon matapos ang pagkaka-aresto ni Ardot Parojinog

Ozamis City – Ikinokonsedira ni Ozamis City Chief, Police Superintendent Jovie Espenido na tapos na ang kanyang misyon sa lungsod ng Ozamis matapos bumagsak sa kamay ng otoridad sa Taiwan ang si Councilor Ricardo “Ardot” Parojinog, ang kapatid ng napaslang na si dating Ozamiz Mayor Reynaldo “Aldong” Parojinog Sr.

Ayon kay Espenido malaking tulong sa pagkaka-aresto ni Ardot ang pagkanta ng kanyang tauhan na si Glenn na siyang nagbulgar kung saan nagtago si Parojinog.

Sinabi pa ni Espenido matagal na nilang alam na nasa Taiwan ang suspek ngunit mahirap umanong matuntun ang eksaktong lokasyon nito.


Umapela naman si Espenido sa matataas na opisyal ng PNP na huwag muna siyang i-relieve dahil marami pa umanong galamay ang pamilyang Parojinog na kinakailangang managot sa batas.

Facebook Comments