NAHULIHAN NG DRUGS | Lolo at isang lalaki, arestado sa Sampalok, Manila

Manila, Philippines – Bumagsak sa kamay ng pulisya ang dalawang personalidad kabilang ang isang lolo matapos na magsagawa ng Anti-Criminality Patrol Operation ang mga tauhan ng Station 4 ng Manila Police District sa Sampalok Manila.

Kinilala ang mga suspek na sina Rodolfo Marcelo, 60 anyos, residente ng Verdad Street, Sampalok, Manila; at Gerrysan Maicon, 53 anyos, residente ng Cordillera Street Sta. Mesa Manila.

Ayon kay PO1 Antonio Harris ng Station 4 ng MPD, nagsasagawa sila.ng pagpapatrolya sa Honradez Street malapit sa kanto ng Antipolo Sampalok Manila nang maispatan nila ang dalawa na nakatayo sa lugar na maykahina hinalang kilos.


Agad na sinita ng mga pulis at nakuha sa kanilang pag-iingat ang dalawang sachet ng shabu.

Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa mga suspek.

Facebook Comments