Patuloy ang mahigpit na pagpapatupad ng Philippine National Police sa gun ban bilang bahagi ng seguridad sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo, mula Agosto 28 hanggang Setyembre 4, umabot na sa 277 indibidwal ang kanilang nahuling lumabag sa pinaiiral na gun ban.
Sa nasabing bilang, 271 ang nahuling sibilyan, 2 ang security guard at 1 ang elected government official.
Habang 2 ang myembro ng Armed Forces of the Philippines at 1 ang miyembro ng PNP.
Nagmula sa National Capital Region ang pinakamarami sa lumabag sa gun ban na umabot sa 76.
Facebook Comments