Nahuling mga sasakyan sa PNP Cauayan, Dumarami na!

Cauayan City, Isabela – Nagiging suliranin na ang mga nakatambak na sasakyan sa harap ng PNP Cauayan.

Ito ang sinabi ni Police Senior Superintendent Nelson Vallejo sa panayam ng RMN Cauayan, matapos punain ang dumarami nang nakatambak na hinuling sasakyan at mga behikulong nasangkot sa mga krimen sa Cauayan.

Dahil dito ay nagbigay payo ang hepe sa mga nagmamay-ari ng mga sasakyan na kunin na ang mga ito sa pamamagitan ng proseso sa piskalya sa korte.


Tutulong pa umano ang PNP Cauayan sa proseso upang mapabilis ang pagkakatanggal ng mga sasakyan sa lugar na harap ng PNP station.

Magugunitang marami ang mga naitatalang vehicular accident dito sa lungsod na siyang dahilan sa patuloy na pagdami ng mga impounded vehicles sa harap ng kanilang tanggapan.

Facebook Comments