NAHULOG DAHIL SA KALASINGAN? | Bangkay, natagpuan sa bangin sa Barangay Talomo, Davao City

Davao City – Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa bangkay ng isang lalaking natagpuan sa isang bangin sa Barangay Talomo, Davao City.

Ayon sa mga residente ng purok 45 Balagbag – nasa lamay lang sila nang mapansin nila ang kakaibang amoy na nanggagaling sa bangin.

Nang puntahan nila ito, dito na bumungad sa kanila ang isang bangkay na kinilalang si Teodofilo Ellevera.


Sa ulat, Martes palang ay nawawala na ang biktima

Paniwala naman ni Joel Padillo, kapitbahay ng biktima, nahulog ito sa bangin dahil sa kalasingan.

Facebook Comments