NAHULOG | Isang lalaking maintenance crew, patay matapos mahulog sa bubong sa Valenzuela City

Valenzuela City – Patay ang isang lalaking maintenance crew ng isang kumpanya ng papel makaraang malaglag sa bubong ng kinukumpuning bodega sa Barangay Ugong, Valenzuela City.

Grabeng pinsala sa ulo at katawan ang dahilan ng pagkasawi ng 51-anyos na si Bonifacio Plantinos na residente ng Northwind, San Jose del Monte City, Bulacan.

Sa imbestigasyon, nag-aayos ng bubungan ng bodega ng Vanhawk Paper Philippine Company ang biktima nang maganap ang aksidente.


Sinasabing napatapak sa bulok na bahagi ng bubungan ang biktima dahilan para mahulog siya ng may 30 talampakan at diretsong bumagsak sa ibaba ng bodega.

Facebook Comments