Occidental, Mindoro – Binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang biktima ng malagim na aksidente sa Sablayan, Occidental Mindoro kanina.
Matatandaan na 19 na tao ang namtay matapos mahulog ang Dimple Star Bus sa bangin kamakalawa.
Binisita ni Pangulong Duterte ang San Sebastian District Hospital para dalawin ang mga nasugatan kung saan nabatid na 5 umano ang patuloy na pagpapagaling.
Pinuntahan din naman ni Pangulong Duterte ang lugar kung saan nangyari ang malagim na aksidente.
Hindi pa naman nagbibigay ng buong detalye ang Malacanang sa nasabing pagbisita ng Pangulo.
Una nang sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na tiyak na may mananagot n opisyal ng Land transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB sa oras na mapatunayang nagkulang ang mga ito.