Manila, Philippines – “Overloaded” – ito ang isa sa lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng Philippine National Police sa nahulog na Leomarick bus sa 100-talampakang lalim na bangin sa Carranglan, Nueva Ecija na ikinasawi ng 31 katao.
Sa interview ng RMN kay Nueva Ecija Police Director Sr. Supt. Antonio Yarra – may kapasidad lamang na 45 ang mini bus ngunit umabot sa 77 ang sakay nitong pasahero ng mangyari ang aksidente.
Batay sa latest body count ng PNP – 31 na ang nasawi habang 46 ang ginagamot ngayon sa Veterans Hospital sa Bayombong Nueva Vizcaya at sa Nueva Vizcaya Provincial Hospital sa Bambang.
Kinumpirma rin ni Yarra na kabilang sa mga nasawi ang driver at konduktor ng bus.
Una nang ibinabala ni Philippine Global Road Safety Partnership Sec. General Albert Suansing na masusundan pa ang ganitong mga trahedya kung hindi nag-iingat ang mga driver sa kalsada.
Sa interview ng RMN, sinabi ni Suansing na mahalaga na may kakayanan ang isang driver sa mga ganitong insidente.
Nais din nito na tutukan ang mga otoridad ang mga kalsada at mariing ipairal ang mga batas sa lansangan.
Sa ngayon ay nagpalabas na ang LTFRB ng 30-day preventive suspension sa Leomarick trans’ operations.
Nation