NAHULOG | PSC, iniimbestigahan na ang pagkamatay ng isang 11-anyos na wushu athlete

Pinaiimbestigahan na ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pagpanaw ng isang 11-anyos na Wushu athlete sa loob ng dormitoryo nito sa Rizal Memorial Complex.

Nasawi ang biktimang si Rastafari Daraliay matapos mahulog sa tinutulugan nitong double-deck bed.

Ayon kay Philippines Wushu Federation Secretary General Julian Camacho, nakausap pa ang biktima pagkatapos ng mahulog sa kama.


Pero kinaumagahan ay bumubula na ang bibig ng biktima na isinugod sa klinika hanggang sa idinala sa ospital.

Panawagan ngayon ni PSC Chairman Butch Ramirez – na mapaayos na ang mga pasilidad tulad ng mga dormitoryo.

Mainam din aniya kung hindi na double-deck ang tutulugan ng mga atleta.

Nakaburol ang labi ng batang atleta sa Sanctuario de San Vicente sa Quezon City at nakatakdang i-cremate sa Biyernes, October 5.

Facebook Comments