NAIA 1, walang supply ng tubig

Nakapila ngayon ang mga balde sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) 1 para mag-abang ng rasyon ng tubig mula sa bumbero.

Ito ay matapos na pumutok ang main na linya ng tubo ng tubig sa paliparan.

Nabatid na mula pa kagabi ay wala nang tubig ang mga palikuran sa NAIA 1.


Dahil dito, kanya-kanya munang igib ang building attendants na naka-assign sa mga palikuran ng airport.

Ilan ding mga pasahero ang nagrereklamo na dahil wala silang magamit na tubig sa palikuran.

Galing pa sa Parañaque Fire Department ang mga bumberong nagrarasyon ngayon ng tubig sa NAIA 1.

Facebook Comments