Balik-normal na ang operasyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Alas 10:47 nang alisin na ng pagasa ang lightning alerts sa paliparan.
Unang sinuspinde ang ramp movement ng mga eroplano at ground personnel nang itaas ang red lightning alerts alas 9:51 kagabi dahil sa banta ng kidlat.
Humingi naman ng paumanhin at pang-unawa ang MIAA sa publiko dahil sa posibleng delay sa biyahe na idinulot ng suspensyon.
Una rito, bumuhos ang malakas na ulan kagabi sa Metro Manila at ilang bahagi ng Calabarzon, Pampanga, Bulacan at Bataan.
Ilang lugar pa sa Maynila ang binaha.
Facebook Comments