NAIA, BOC at BAI naka-alerto na upang walang makalusot na pork products galing Japan

Naka-alerto na ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Animal Industry (BAI) upang matiyak na walang pasaherong makakapagpasok ng pork products galing Japan.

Ito ay matapos magdeklara ang Department of Agriculture (DA) ng temporary ban sa pag-aangkat ng karneng baboy mula sa Japan kasabay ng pagkalat ng swine fever sa East Asian country.

Nagtalaga na ng BOC at BAI team sa NAIA Terminals 1, 2, at 3 para magbantay.


Bago ito, nagdeklara na rin ng pork ban mula sa mga bansang apektado ng African swine fever (ASF) gaya ng China, Hungary, Belgium, Latvia, Poland, Romania, Russia, Ukraine, Bulgaria, Czech Republic, Moldova, South Africa at Zambia.

Facebook Comments