NAIA, gaganda sa susunod na 6 na buwan – Ang

Nangako si San Miguel Corporation (SMC) President at CEO Ramon Ang, na magiging saksakan na ng ganda ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bago ang Holy Week sa susunod na taon.

Sa ambush interview kay Ang sa Palasyo, sinabi nito na sa oras na i-take over ng San Miguel Corp. at ng mga kasosyo nito ang paliparan ay magiging sobrang lamig at malinis na ito sa loob ng anim na buwan.

Dagdag pa ni Ang, na kapag natapos ang bagong passenger terminal makalipas ang dalawa hanggang tatlong taon ay luluwag na rin ang terminal 1, 2, at 3.


Ang bagong terminal kasi ay kayang mag-accommodate ng 35 milyong pasahero na may 50 boading gates.

Nagpasalamat naman si Ang kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at Transportation Secretary Jaime Bautista para sa patas na public bidding ng NAIA pivatization.

Tiniyak din nito kay Pangulong Marcos na anuman ang mangyari ay 100% mapapaganda ang paliparan.

Facebook Comments