NAIA, handa na sa pagbabalik ng mga bakasyunista pagkatapos ng Undas

Handa na ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa pagbabalik ng mga kababayang nagbakasyon ngayong Undas.

Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) Spokesperson Chris Bendijo, inaasahan nilang sa November 5 ang buhos ng mga tao dito sa airport lalo na ang mga pauwi ng bansa.

Aniya, taun-taon ay ito ang petsang may mataas na passenger movement at umaabot ito ng higit sa 140,000 na mga pasahero.


Tiniyak naman ni Bendijo ang sapat na bilang ng mga Immigration counters at katunayan ay nagdagdag pa ng mga tauhan ang Immigration para ma-accommodate at maging mabilis ang pagproseso sa mga airline passengers.

Sa limang X-rays, apat aniya ang gumagana at hindi ito magiging problema sa inaasahang pag-uwi ng mga kababayan.

Facebook Comments