
Iinspeksyunin ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. mamayang hapon ang improvements ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa ilalim ng Public-Private Partnership (PPP) ng gobyerno at ng New NAIA Infrastructure Corp.
Sa gagawing inspeksyon ng Pangulo, inaasahang magkakaroon ito ng walkthrough sa airport kasama ang mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr), Manila International Airport Authority (MIAA), at NNIC.
Ilalatag din sa Pangulo ang mga pagbabago at on-going transformation sa NAIA.
Matatandaang isinapribado ang paliparan noong Setyembre 2024 kung saan sumailalim ito sa serye ng upgrades.
Layon nitong mapahusay ang serbisyo, gawing maginhawa para sa mga pasahero, at gawing moderno ang pasilidad ng paliparan.
Bahagi rin ito ng target ng pamahalaan na gawing world-class ang impratruktura sa pakikipagtulungan sa pribadong sektor.









