NAIA, ika-apat sa “worst airport in Asia” – UK survey website

Pasok ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bilang ika-apat sa “worst airport in Asia” batay sa survey website na nakabase sa United Kingdom.

Ayon sa survey ng businessfinancing.co.uk, nakakuha lamang ng 2.78 na average ang NAIA mula sa business travellers na nagbigay ng ratings sa mga paliparan sa Asya ng 1 to 10.

Nangulelat naman ang Kuwait International Airport na may score na 1.69 at sinundan ng Almaty International Airport sa Kazakhstan at King Abdulaziz International Airport sa Saudi Arabia.


Kinilala naman bilang best airport in Asia ang Noi Bai International Airport sa Vietnam na may average rating na 6.80.

Sumunod dito ang Changi Airport ng Singapore at Hong Kong International Airport.

Wala pa namang pahayag ang Department of Transportation kaugnay rito.

Kamakailan, iginawad sa San Miguel Corp. (SMC) ang kontrata para sa rehabilitasyon ng NAIA para sa P170.6 billion project.

Facebook Comments