NAIA, ipinababalik sa dating pangalan na Manila International Airport

Isa pang panukalang batas ang inihain sa Kamara na humihiling na palitan na ang pangalan na Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa House Bill 1253 na inihain ni Duterte Youth Partylist Rep. Drixie Mae Cardema, pinababalik nito ang dating pangalan ng paliparan na Manila International Airport (MIA).

Iginiit ni Cardema na hindi dapat napopolitika ang pangalan ng international gateway ng bansa.


Mas madali aniya para sa mga dayuhan at turista na tukuyin ang bansa at ang ating international airport kung ito ay isinusunod sa pangalan ng kabisera ng bansa.

Bukod dito, nagbibigay rin ito ng ‘national pride’ sa mga Pilipino na matawag ulit ang paliparan na MIA.

Noong 1987 ay pinalitan ni dating Pangulong Corazon Aquino ang pangalan ng MIA sa NAIA na isinunod sa pangalan ng kanyang asawa na si dating Senador Ninoy Aquino.

Ang panukala ay naihain na rin noong 18th Congress pero nabinbin lamang ito sa Committee on Transportation.

Facebook Comments