NAIA, kinalampag ng isang senador dahil sa pagala-galang daga

Kinalampag ni Senator Grace Poe ang pamunuan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na linisin nang husto ang bawat lugar at sulok ng paliparan.

Pinatitiyak ng senadora na walang peste sa loob ng NAIA matapos ang nagviral na post sa social media na may malaking daga sa loob ng paliparan kung saan naghihintay ang mga pasahero.

Nababahala si Poe na magbigay ito ng pangamba sa mga pasahero at magdulot ng pagbaba sa ating turismo.


Umaasa si Poe na walang mangyayaring aberya sa planong rehabilitasyon sa NAIA at mabibigyan na ng positibong experience o karanasan sa paglalakbay ang ating mga kababayan at mga bisita.

Bago ang viral na video ng daga sa NAIA, nabalita rin ang ilang pasahero na nakaranas ng pangangati at pantal pantal sa balat matapos na kagatin naman ng surot mula sa ilang rattan at bakal na upuan sa paliparan.

Facebook Comments