NAIA, luluwag sa tulong ng bagong terminal ng Clark Airport – Duterte

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang bagong passenger terminal ng Clark International Airport ay makakatulong para lumuwag ang traffic congestion sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at maisusulong nito ang maginhawang pagbiyahe at mapalakas ang ekonomiya sa Luzon.

Sa kanyang talumpati, pinuri ni Pangulong Duterte ang tagumpay na ito na mapapakinabangan ng maraming tao.

Ang bagong passenger terminal ay mayroong kapasidad na walong milyong pasahero kada tao, doble sa kasalukuyang kapasidad ng Clark Airport.


“I just hope that the local economy can absorb the number of people coming to visit the Philippines,” sabi ng pangulo.

“It will surely help decongest traffic at the busy Ninoy [Aquino] International Airport and provide a better flying experience for locals and tourists alike,” dagdag pa niya.

Mapapalakas nito ang economic development sa North at Central Luzon.

Ang proyektong ito ay bahagi ng Build Build Build program ng administrasyon na layong paghusayin ang connectivity, mobility, paglikha ng trabaho at pagpapakalat ng economic activity sa mga rehiyon.

Facebook Comments