Nakapagtala ang New NAIA Infra Corporation (NNIC) ng 50.1 million na bilang ng mga pasaherong dumagsa sa NAIA nitong 2024.
Ayon kay NNIC President Ramon Ang, ito ay mas mataas ng 10.43% kumpara noong 2023.
Nakapagtala rin ang paliparan ng 293,488 flights sa nakalipas na taon, na mas mataas ng 8.08% kumpara noong taong 2019.
Sinabi ni Ang na patunay ito na mas marami nang mga Pilipino ang lumilipad at marami nang mga bisita ang pumapasok sa Pilipinas.
Kinumpirma rin ng NNIC na nitong December 30 hanggang kahapon, January 1, nakapagtala sila ng average On-Time Performance (OTP) na 83.36% , kung saan ang pinakamataas na record ay naitala sa 88.35% nitong December 31.
Facebook Comments