Mas maluwag na ang departure areas ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 at 2 ngayong umaga.
Ayon sa mga airport ground staff sa dalawang terminal, mas maaliwalas na ngayon kumpara noong mismong holiday season.
Maluwag na sa departure area ng Terminal 1, na international flights lang, ngunit mayroon pa rin itong mahabang pila pagdating sa entrance ng Terminal 1 hanggang sa check-in counters dahil sa mga pasaherong nagbabayad ng kanilang travel tax.
Kapansin-pansin din ang mga push carts na hindi pa nagagamit na nasa labas lang ng terminal.
Samantala sa NAIA Terminal 2 naman, na may domestic flights ng Air Asia, Philippine Airlines (PAL), at Cebu Pacific (CebuPac), ay marami pa ring mga pasaherong paalis ng Maynila. Maluwag pa rin ang loob ng terminal kahit may mga sunud-sunod na pasaherong dumadating.
Nitong 2024 ay umabot ang kabuuang bilang ng mga pasahero sa lahat ng terminals ng NAIA sa 50.1 million ayon sa New NAIA Infrastructure Corporation (NNIC).