NAIA Terminal 3, magkakaroon ng water service interruption bukas

Magkakaroon ng water service interruption ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 simula alas dos ng hapon ng Biyernes hanggang alas sais ng umaga ng Sabado.

Batay sa abiso ng New NAIA Infra Corp. (NNIC), bunsod ito ng maintenance at repair activities ng Putatan Treatment Plant.

Hindi naman dapat mabahala ang mga pasahero dahil may inilatag na contingency measures ang NAIA kung saan gagamitin ang 3.2 liters ng tubig mula sa water tank ng T3.


Maghahatid din ang Maynilad ng mga truck ng tubig para mapalitan ang tubig sa tangke habang may mga naka-standby din na water trucks para i-refill ang mga containers kung kinakailangan.

Samantala, sinabi naman ni Manila International Airport Authority Spokesperson Atty. Chris Bendijo, na as of 2pm ay may anim na kanseladong flights sa Terminal 4.

Hindi naman nabanggit ni Bendijo kung anong mga flights ang kanselado at sa halip, pinayuhan niya ang mga pasahero ng T4 na i-check sa website ng New NAIA o makipagugnayan sa kanilang mga airlines kung kasama ang kanilang byahe sa mga nakansela.

Kung mapapansin naman, hindi tulad sa mga nakaraang taon na dagsa talaga ang mga pasahero kapag bisperas ng Undas, ngayon ay hindi ganoon karami ang mga bumabyahe kung ikukumpara noon sa dahilang marami sa mga kababayan natin ang maaga pa lang ay bumyahe na.

Facebook Comments